Comelec, naghain na ng kanilang komento sa Supreme Court kaugnay ng petisyon laban sa postponement ng Barangay at SK elections

Naghain na ang Commission on Elections (Comelec) ng kanilang komento sa Supreme Court kaugnay ng petisyon laban sa pagpapaliban sa Barangay at SK elections sa Disyembre.

Sa kanilang komento, sinabi ng Comelec na tinatanggap nila ang anumang petisyon na kumukwestyon sa inaprubahang batas ng Kongreso hinggil sa postponement ng naturang mga halalan.

Iginiit ng Komisyon na dahil sa petisyon na ito, magkakaroon ng linaw ang lahat sa naturang usapin at maaaring magamit sa mga susunod na panahon ang magiging desisyon ng Korte Suprema.


Dito rin umano makikita ang check and balance ng bawat sangay ng pamahalaan upang ipakita sa taumbayan ang demokratikong proseso.

Facebook Comments