Comelec, naglabas na ng desisyon sa substitution bid ni Cardema

Sa botong 2-0, kinansela na ng Comelec first division ang nominasyon ni Ronald Gian Carlo Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth Partylist.

Ayon kay Comelec Director for Education and Information Atty. frances Arabe, sina Commissioner Rowena Guamzon at Marlon Casquejo ang pumirma pabor sa petisyon na kanselahin ang nominasyon ni Cardema habang ang Chairman ng first divission na si Commissioner Al Parrenyo ay nasa official business.

Nakasaad sa 25-pahinang resolusyon na hindi eligible si Cardema para sa nasabing nominasyon.


Nakasaad sa Section 9 ng republic act 7941 o ang partylist system act na ang sinumang kakatawan sa youth sector ay dapat nasa edad 25 na pero hindi lagpas ng 30 taong gulang.

Si Cardema ay 34 taong gulang na noong araw ng halalan.

Ang resolusyon ng first division ay maaari pa namang i-akyat ni Cardema sa Comelec en Banc.

 

Facebook Comments