Manila, Philippines – Pitumput anim na senatoriables ang pasok sa pinal na listahan ng Comelec para sa halalan sa Mayo a trese.
Kabilang sa mga nakapasok sa final list ang ilang re-electionist, ang ilan naman ay mga dating senador na nais bumalik sa kapulungan at ang ilan sa mga kilalang personalidad.
Kasama dito sina Senator Sonny Angara, Bam Aquino, Nancy Binay, Bong Revilla, Pia Cayetano, Glenn Chong, Neri Colmenares, dating PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, JV Ejercito, Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Larry Gadon, Bong Go, Lito Lapid, Romy Macalintal, Imee Marcos, Doc Willie Ong, Serge Osmeña, Koko Pimentel, Grace Poe, Mar Roxas, Loren Tañada, Francis Tolentino at Cynthia Villar.
Pending naman ang finality ng labing tatlong iba pang senatorial aspirants at nakatakdang maglabas ang Comelec ng certificate of finality ngayong hapon
Ngayong hapon din iaanunsyo ng Comelec ang pinal na listahan ng party-list organizations na maaaring lumahok sa halalan sa Mayo.