Inilabas na ng Commission on Election (COMELEC) ang pinal na listahan nito ng mga kandidato sa national positions sa 2022 elections.
Sa nasabing listahan, 15 na lamang ang maglalaban-laban sa presidential race habang 9 sa vice-presidential race at 70 sa senatorial aspirants.
Inalis na rin ng COMELEC sa listahan ang pangalan ni Sen. Bong Go matapos itong umatras sa pagka-pangulo, gayundin ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umatras naman sa senatorial race.
Nananatili naman sa listahan sa presidential race ang dalawang Marcos.
Ito ay sina dating Sen. Bongbong Marcos at Maria Aurora Marcos.
Idineklara namang nuisance candidate ang presidential aspirant na si Tiburcio Marcos.
Samantala, sa hanay ng party-list groups, mula 166 ay 171 na ang maglalaban-laban matapos na makakuha ng temporary restraining order sa Korte Suprema ang 5 organisasyon na unang inalis sa listahan ng balota.