COMELEC, naglabas ng abiso sa schedule ng pagpaparehistro sa lungsod ng Maynila

Naglabas ng abiso ang Commission on Election (COMELEC) hinggil sa schedule ng pagpaparehistro sa lungsod ng Maynila.

Sa abiso ng COMELEC, sarado tuwing Biyernes ang Offices of the Election Officer (OEOs) sa lahat ng distrito sa lungsod.

Ito’y para magbigay daan sa ikinakasang disinfection activities ng lokal na pamahalaan para masigurong ligtas ang mga tanggapan sa COVID-19 pandemic.


Matatandaan na muling isinasagawa ang pagpaparehistro ng mga bagong botante para sa 2022 National Elections nitong Lunes makaraang ilagay na ang NCR Plus sa General Community Quarantine (GCQ).

Kabilang sa mga tanggapan ng COMELEC na nagsimula muling tumanggap ng magpaparehistro ay sa Metro Manila, mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Una na rin sinabi ng COMELEC na maaaring pa rin magbago ang mga oras at araw ng pagpaparehistro depende sa aktibidad ng mga lokal na pamahalaan hinggil sa mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments