COMELEC, naglabas ng mga petsa ng kanilang mga paghahanda para sa 2022 BSK Elections

Inilabas ng Commission on Elections o COMELEC ang mahahalagang petsa sa paghahanda ng poll body sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa Disyembre 5.

Ayon sa COMELEC, simula sa October 6 hanggang October 13, 2022 maliban sa October 9, isasagawa ang paghahain ng Certificates of Candidacy o COC ng mga kakandidato.

Sa October 6 hanggang December 12, 2022 naman magpapatupad na ang COMELEC ng gun ban kasabay ng pagpasok na ng election period.


Sisimulan naman ang campaign period o pangangampanya ng mga kandidato sa November 25 hanggang December 3, 2022.

Ayon sa COMELEC, magbubukas ang polling precincts sa December 5 mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Sa January 4, 2023 naman ang huling araw ng paghahain ng Statement of Contribution and Expenditures o SOCE ng mga kandidato bilang pagtalima sa Omnibus Election Code.

Facebook Comments