COMELEC, naglagay na ng receiving station para sa maghahain ng withdrawal at substitution

Nagtalaga ngayon ang Commission in Election (COMELEC) ng receiving station sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Maynila.

Partikular itong itinayo sa lobby ng Comelec sa loob ng Palacio del Governador.

Dito tatangapin ang anumang ihahain na withdrawals ng isang naghain ng Certificate of Candidancy (COC) gayundin ang paghahain ng substitions.


Pero mahigpit na ipinapatupad ang seguridad at patakaran sa heatlh protocols kontra COVID-19.

Sa isang panayam naman kay Comelec Spokesman James Jimenez, sinabi nito na ang voluntary withdrawal ng mga naghain ng COC at substitution ay hanggang November 15 at hindi na ito palalawigin pa.

Dagdag pa ni Jimenez, patuloy silang nakabantay sa maghahain ng withdrawal at substitution kung saan inaasahan nila na sa kalagitnaan ng buwan ng Disyembre ay makakapaglabas na ang Comelec ng opisyal na listahan ng mga kakandidato.

Matatandaan na una na rin inihayag ng Comelec na mula sa 299 na indibdwal na naghain ng COC sa pagka-pangulo, bise pangulo at senador 205 sa mga ito ay idedeklarang nuisance candidate ng ahensiya.

Facebook Comments