Comelec, naglatag na ng mga aktibidad para sa 2020 Brgy at SK Elections

Manila, Philippines – Inilatag na ng Commission on Elections o Comelec ang “Calendar of Activities” para sa 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ay sa kabila ng mga panukala na ipagpaliban ang halalan sa susunod na taon at sa halip ay isabay na lamang sa 2022 General Elections.

Sa Resolution no. 10573 ng Comelec na promulgated noong August 15, 2019, napagpasyahan na itinakda sa March 12 hanggang March 19, 2020 ang filing o paghahain ng Certificate of Candidacy o COC.


Ang election period naman ay mula March 12 hanggang May 18, 2020.

Ang campaign period ng mga kandidato ay gagawin mula May 1 hanggang May 9, 2020.

Sa May 10, 2020 naman ang “Election Day” o araw ng halalang pambarangay at SK sa buong bansa, na gagawin mula alas-syete ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Nakasaad pa sa resolusyon na ang deadline para sa paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ay June 10, 2020.

Facebook Comments