COMELEC, naglatag na ng mga paghahanda para internet voting

All set na ang Commission on Elections (COMELEC) sa paggamit ng internet voting para sa mga Pilipinong nasa ibang para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng internet voting para sa halalan sa bansa na bahagi pa rin ng pagsisikap ng komisyon na maging hightech ang halalan.

Kaugnay nito, sinabi ni Garcia na itinakda ng COMELEC ang voter registration ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) hanggang September 30, 2024 para sa midterm elections.


Hinimok din ni Garcia ang mga kwalipikadong botante na samantalahin ang pagpaparehistro para makaboto sa 2025.

Sa April 13, 2025 naman sisimulan ng COMELEC na bumoto ang mga OFWs sa pamamagitan ng internet voting hanggang May 12, 2025.

Sinisiguro rin ng COMELEC na wapang magiging problema ang internet voting habang ang umaasa sila na sa pamamagitan nito ay tataas ang voters turnout sa pagtatapos ng halalan.

Facebook Comments