Nagsagawa ngayong araw ng aktibidad ang Commission on Elections (COMELEC) bilang parte ng pagpapalakas ng kanilang kampanya para sa voters registration sa bansa.
Ang nasabing aktibidad ay ang “Walkah-Walkah: #MagparehistroKa Voter Education Campaign.”
Nabatid na naisipan ng COMELEC na gawin ito upang manawagan sa publiko na magparehistro, para sa National and Local Elections sa May 2022.
Nagsimula ang nasabing aktibdad kaninang pasado alas-6:00 ng umaga sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila kung saan kasama rito ang ilang kawani ng COMELEC, iba pang stakeholders at mga sumusuporta sa kampanya, na pawang naka-motorsiklo at nag-motorcade.
Dumiretso sila sa Gawad Kalinga Village sa Barangay Talipapa, sa Quezon City kung saan dito naman sinimulan ang Walkah-Walkah kaabay ng pagbibigay ng flyers at apela sa mga tao na magparehistro.
Biglang pagtalima naman sa health protocols laban sa COVID-19, ang mga nakilahok ay hinimok na magsuot ng face mask at face shield habang mahigpit na pinapairal ang social distancing.