Comelec, nagpaalala na magkaiba ang “hotspot” at “under Comelec control”

Manila, Philippines – Nilinaw ni Comelec Spokesman James Jimenez na hindi magkapareho ang “hotspot” at “under Comelec control.”

Ayon kay Jimenez, kuwestiyon ito ng threat levels o depende sa lebel ng banta sa isang lugar.

Aniya, mas mataas ang threat level ng hotspot kesa sa pangkaraniwang lugar.


Kapag nag level up aniya ang threat sa hotspot, maari nang ilagay sa Comelec control ang isang lugar.

Nilinaw din ni Jimenez na ang magiging aksyon ng Comelec ay nakadepende sa magiging rekomendasyon ng local Comelec officials at ng PNP o hindi kaya ng AFP.

Una nang inirekomenda ng local Comelec officials na ilagay sa Comelec control ang Daraga, Albay matapos mapatay doon si Congressman Rodel Batocabe na tumatakbong alkalde sa nasabing bayan.

Facebook Comments