Comelec, nagpaalala sa mga kandidato na hindi pa nagpaparehistro ng kanilang social media site

Manila, Philippines- Nagpaalala ang Commission on Elections (Comolec) sa mga kandidato sa pagkasenador at sa partylist groups na iparehistro ang kanilang mga website, blog at social media page na ginagamit sa pangangampanya.

 

Layon nito na ma-monitor ng poll body ang kanilang mga gastos lalo na kung may nag-eendorso sa kanilang mga ‘influencer’, artista o kilalang personalidad

 

Ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez, ang hakbang na ito ay alinsunod na rin sa mas pinalawak na Fair Elections Act kung saan hindi lamang radyo, dyaryo at telebisyon ang tinutukan ng poll body.


 

Sa 62 kandidato sa pagkasenador, 13 pa lamang ang nagparehistro ng kanilang mga website at social media page habang  sa 181 partylist groups ay 25 pa lamang ang nakakapagparehistro.

 

Sinabi naman ni Jimenez, mayroon silang monitoring team na magta-track sa social media post ng mga kandidato kaya malalaman nila ito kung may bayad.

 

Base sa Section 11 ng Resolution 1048, tatlumpung araw matapos ang eleksyon ay dapat maghain ng campaign expenditures ang mga kanidato.

Facebook Comments