Comelec, nagpadala ng notice sa higit 30 senatorial candidates dahil sa illegal campaign materials

Manila, Philippines – Umabot na sa 34 na kandidato sa pagkasenador ang pinadalhan ng notice ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa mga ilegal na nakakabit na campaign materials.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon – binibigyan ang mga ito ng tatlong araw na tanggalin ang kanilang mga campaign paraphernalia dahil kung hindi ay maituturing itong election offense.

Bago ito, nagbigay na ang poll body sa mga kandidato ng tatlong araw na grace period para baklasin ang mga ipinagbabawal na campaign materials nito na napaso na kahapon, February 14.


Ngayong araw ay sisimulan na ng Comelec ang pagdodokumento ng lahat ng unlawful campaign materials.

Magpapakalat sila ng mga tauhan na siyang magbabaklas ng mga illegal campaign posters at documents.

Base sa advisory, alas-9:00 ng umaga ay magkakaroon ng motorcade sa harap ng Comelec office sa Intramuros, Manila habang ang monitoring ng election propaganda ay nakatalaga na sa mga pampublikong lugar.

Ang mga kandidatong bigong tatalima sa election campaign rules at iimbestigahan at papanagutin ng Comelec legal department.

Facebook Comments