Nagpaliwanag na si Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Director James Jimenez kasunod ng mga aberya at kalituhan sa voters’ registration kahapon.
Kung maalala kahapon, napasugod si COMELEC Spokesperson Jimenez sa COMELEC Arroceros matapos ang mga ulat na may mga hindi nakapagrehistro at ‘yong iba pinauwi pa.
Batay sa reklamo, pinalabas sila sa opisina ng COMELEC dahil wala silang appointment.
Dipensa ni Jimenez, para magpatupad ang physical distancing dahil sa COVID hindi pinapayagang mag-fill up ng form sa loob ng sabay-sabay.
Dahil dito, hinihikayat ng opisyal ang mga botante na kumuha ng appointment para mas maging madali ang proseso.
Pero aniya hindi nangangahulugan na hindi na makakapagrehistro ang mga walk-in.
Bukod pa sa nasabing mga kalituhan, nilinaw rin ni Jimenez ang isyu na hindi pinapayagang makapagrehistro ang 21 years old pababa at mga senior citizen.
Maaaring kumuha ng appointment sa pamamagitan ng pagtawag sa COMELEC at pakikipag-ugnayan sa kanilang Facebook page.
Bukas ang proseso ng voters’ registration Martes hanggang Sabado ng alas-8:00 ng umaga.