COMELEC, nagsagawa ng final testing at sealing ng mga VCM sa San Juan

Nagsagawa ng final testing at sealing ng mga vote counting machine (VCM) na gagamitin sa eleksyon ang Commission on Elections (COMELEC).

Isinagawa ito sa San Juan Elementary School kung saan ipinakita ng COMELEC ang end-to-end test, mula initialization ng mga VCMs, pagboto hanggang sa pagsalang ng mga accomplished ballot sa VCMs at pag-imprenta ng election returns.

Aabot sa 103 na VCM ang ikakandado pansamantala sa nasabing paaralan habang mayroong 409 electoral board.


Ayon sa COMELEC, alinsunod sa COMELEC Resolution 9981, layon ng final testing at sealing na matiyak na ang mga makina ay gumagana at nasa maayos na kondisyon bago ang eleksyon.

Hindi kasi masasagawa ang eleksyon kung walang final testing at sealing.

Pagkatapos ng testing, ang mga VCM ay sinelyuhan at kinando sa polling precinct.

Babantayan ito ng pulisya at election officer watcher,

Ito ay bubuksan na lamang muli sa araw ng eleksyon na May 9, alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments