Nagsagawa ng Random Manual Audit ang Commission on Elections (Comelec) sa Pilot Testing ng Automated Election System sa nagdaan Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang nasabing aktibidad kasama ang ilang mga representative ng NAMFREL, PSA, PPCRV, LENTE at iba pang stakeholders.
Layunin ng manual audit ay para masiguro na walang problema at gumana nang maayos ang vote counting machines.
Sa pahayag ni Garcia, paraan din ito para ipakita na maayos at walang problema sa isinusulong na automated election sa susunod na halalan.
Pagpapakita rin ito ng pagiging transparent ng Comelec pagdating sa usapin ng automated election.
Isinailalim sa random manual audit ang ballot boxes na mula sa Poblacion 2 at Paliparan III sa Dasmariñas City sa Cavite at Pasong Tamo sa Quezon City.
Nabatid na ikinasa ang pilot testing ng automated election system sa mga nabanggit na lugar noong BSKE 2023.