COMELEC, nagsagawa ng testing sa mga makinang gagamitin sa 2019 midterm elections

Sa Voters Registration Verification Machine o VRVM , naka-encode ang biometrics ng lahat ng mga nagparehistrong botante.

Ito rin ang aktwal na gadget na gagamitin ng COMELEC sa mismong halalan kung saan ilalagay ng mga botante ang kanilang hinlalaki sa maliit na screen nito para malaman kung nakarehistro sila.

Ayon kay Atty. Divina Perez ng COMELEC, sa ilalim ng prosesong ito na walang flying voters na makakalusot sa pagboto.


Aminado naman ang ilang mga tauhan ng COMELEC na namahala sa isinagawang testing ng mga makina na ilan sa kanilang gadgets ay nagha-hang.

Facebook Comments