Comelec, nagsagawa ng virtual walkthrough sa National Printing Office para ipakita ang pag-iimprenta ng mga balota

Ipinasilip ng Commission on Elections (Comelec) ang ginagawa ng pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa May 9, 2022 elections.

Sa isinagawang virtual walkthrough sa National Printing Office sa Quezon City, ipinakita sa pre-recorded video ang pag-iimprenta sa mga balota sa Overseas Absentee Voting (OAV), para sa national elections at maging ang mga testing ballot.

Aabot sa 67 milyong piraso ng mga balota ang iimprenta na ginastusan ng ₱1.3-B.


Tatlong makina ang ginagamit ngayon sa printing ng mga balota at isang standby machine sakaling may bumigay sa isa sa mga ito.

Ayon kay Comelec Deputy Executive Director for Administration Helen Aguila Flores, kaya nilang mag-iimprenta ng 1.1 million na balota kada linggo sa peak performance kung saan posibleng makapag imprenta ng 67 million ballots hanggang unang linggo ng Abril.

Target ng NPO na makumpleto ang printing hanggang April 21.

May contingency measures ang NPO sa gitna ng banta ng COVID-19 partikular dito ang pagkuha ng reserve workers sakaling may magkasakit sa kanilang mga tauhan.

Facebook Comments