Comelec, nagsasagawa ng walk-through sa PICC isang araw bago ang halalan

Kasunod ng walk-through sa Philippine International Convention Center sa Parañaque City ay binigyan ni Commission on Elections Chairman Saidamen Pangarungan ng perfect score ang naging paghahanda sa magsisilbing command center ng poll body para sa gagawing eleksyon.

Layun din ng walk-through na ipakita sa publiko ang laman ng command center para sa patas na eleksyon.

Kasabay nito, tiniyak din ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippinr Coast Guard at Department of Education na handa sila para sa ligtas na halalan bukas.inanunsyo ng Arafp,pnp coastguard at dep ed na handang handa na sila para sa patas at ligtas na halalan bukas.


Ipinaalala rin ni officer-in-charge PNP chief Gen. Vicente Danao ang umiiral na liquor ban natatagal hanggang sa huling minuto ng May 9.

Samantala sinabi ng Comelec na merong 790 na dapat ayusin na vcm pero sa ngayon dahil sa mabilis na aksyon nagawa na nila ang 632 na mga VCM.

Ngayong araw din inaasahan na matatapos ang final testing at sealing sa 170 precint sa Cotabato.

Facebook Comments