COMELEC, nagsimula nang mag-imprenta ng balota para sa plebisito sa Calaca, Batangas

Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta sa mga balota para sa gagawing plebiscite voting sa Calaca, Batangas.

Batay sa inilabas na pahayag ng COMELEC, isinagawa ang pag-iimprenta ng balota at mga accountable forms sa National Printing Office sa Quezon City.

Ayon pa sa komisyon, tintayang aabot sa 58,881 official ballots ang naimprenta kahapon ng umaga.


Nakatakda naman isagawa ang plebisito sa Calaca, Batangas sa Setyembre 20 kung saan inaasahang papalitan ang estado ng naturang lugar mula sa munisipalidad papunta sa component city.

Samantala, magpapatuloy naman ang pag-imprenta sa mahigit 800,000 balota sa mga susunod na araw para naman sa plebisito sa Maguindanao sa Setyembre 17 upang hatiin ito sa dalawang parte na papangalanang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Facebook Comments