Comelec, nagtakda ng panibagong petsa ng deadline para sa pagsusumite ng mga bid para sa 2025 automated elections

Nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng panibagong petsa ng deadline ng pagsusumite at pagbubukas ng mga bid para sa 2025 Automated Election System.

Ayon sa Comelec – Special Bids and Awards Committee (SBAC), pinalawig hanggang January 8 ang deadling upang mabigyan ng sapat na oras ang lahat ng bidders na ihanda ang kanilang mga bid dahil sa dami ng requirements.

Naunang itinakda ng SBAC ang deadline para sa pagsusumite ng bids sa January 4, 2024.


Nagsimula ang pangalawang round ng pre-bid conference para sa pangalawang round ng public bidding para sa P18.8 bilyong automated elections project ngayong araw.

Facebook Comments