COMELEC, nagtakda ng timeline para sa deployment ng VCMs at mga balota

Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang deployment ng Vote Counting Machines (VCMs) na gagamitin sa May 9 elections sa April 19.

Ayon kay COMELEC Director Juli Hernan, head ng packing and shipping committee, sinimulan na ng poll body ang pag-deliver ng VCM batterries sa iba’t ibang destination hubs bago ang mga aktwal na makina.

Aniya, ide-deliver ang VCM kits, na naglalaman ng makina at iba pang paraphernalia, simula sa April 2 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Huli namang ide-deliver ang VCMs na para sa National Capital Region (NCR) mula April 18-19.

Inaasahan naman na ang timeline para sa delivery ng mga opisyal na balota ay mula April 20 hanggang May 5.

Ang F2 Logistics ang nangunguna sa shipping ng election paraphernalia mula sa COMELEC warehouses papunta sa regional hubs.

Facebook Comments