COMELEC, nakapag-imprenta na ng 67.4 million na mga balota

Natapos na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-iimprinta ng 67.4 milyong balota na gagamitin sa halalan sa Mayo 9.

Ayon sa COMELEC, maaga nilang natapos ang pag-iimprenta ng mga balota kumpara sa itinakdang deadline na Abril 25.

Sinimulan na rin ng COMELEC kaninang hating gabi ang pagdidispatsa sa automated election system supplies mula sa warehouse sa Sta. Rosa, Laguna patungo sa mga regional hubs sa buong bansa.


Kabilang rito ang mga vote counting machines, consolidated canvassing systems laptops peripherals, at transmission devices.

Facebook Comments