Comelec, nakapagtala na ng higit dalawang milyong bagong botante para sa Barangay at SK elections

Nalagpasan muli ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong target nitong 2 million newly registered voters.

Ito ay matapos pumelo na sa 2,119,878 ang bilang bagong botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Batay sa datos ng Comelec, sa naturang bilang ay 1,326,415 dito ay mula sa kabataang edad 15 hanggang 17 taong gulang.


Habang nasa 680,497 naman ang mula sa mga edad 18 hanggang 30 taong gulang at 112,966 naman para sa edad 31 pataas.

Lumalabas din na aabot na sa 2,793,283 na ang naproseso nilang aplikasyon kung saan kasama na rito ang mga nagpatransfer ng kanilang voter registration, paglipat mula sa overseas papunta sa local voting at pag-reactivate ng kanilang voter status.

Ngayong araw, July 23 ang huling araw ng voter registration na muling binuksan para sa Barangay at SK election na isasagawa sa December 5, 2022.

Facebook Comments