Umabot na sa mahigit 800,000 ang nagparehistro sa buong bansa, ayon sa Commission on Elections o Comelec.
Base sa pinakahuling tala noong August 24, 2019 pumalo na sa 802,926 ang aplikante para sa voters registration sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Mula sa naturang bilang, nasa 570,743 ang regular voters habang 232,183 naman ang botante para sa Sangguniang Kabataan.
Ang nagpapatuloy na voter registration ay nagsimula noong August 1, 2019 at matatapos sa September 30, 2019 kung saan posibleng wala na itong ekstensyon.
Ang mga aplikasyon ay pwedeng ihain mula Lunes hanggang Sabado, kasama ang holidays, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa mga Office of the Election Officer o anumang satellite registration site.
Nauna na ring sinabi ng Comelec na ang ginagawang voter registration ay hindi lamang para sa 2020 Barangay at SK Elections, kundi sa mga susunod pang iba pang halalan.