Nakapagtala ng minor glitch ang Commission on Elections (Comelec) kasabay ng ginanap na mock election kahapon sa 34 voting center sa pitong rehiyon sa bansa.
Ayon kay Comelec Director Elaiza David, maliban sa naitalang problema sa vote-counting machine (VCM) sa Cordon town sa Isabela province ay naging mababa ang voter turnout sa ilang lugar.
Ilan sa nakitang dahilan ay ang kakulangan sa oras ng paghahanda at paghahatid ng impormasyon sa mga residente.
Agad naman aniya itong ipinaabot sa mga kinauukulan para mabigyang-pansin at masolusyunan sa mismong araw ng eleksyon.
Samantala, inihayag din ni David na naabot ng pamahalaan ang 100% outcome para sa mga intended voters sa naturang aktibidad.
Facebook Comments