COMELEC, nakatanggap na ng kabuuang 73 na reklamo hinggil sa vote buying

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na umaabot na sa 73 na reklamo hinggil sa vote buying ang kanilang natanggap.

Ayon kay Commissioner Aimee Ferolino ang mga reklamo ay inireport sa COMELEC Law Department simula pa noong February 9.

53 aniya sa mga ito ang naaksyunan na habang ang 12 ay naka-docket na at ang iba ay ini-evaluate na.


Kinumpirma rin ni Comm. Ferolino na ang Philippine National Police (PNP) ay may naitala ring kaso ng vote buying sa Cavite kung saan ang pera ay inilagay sa pinamamahaging sample ballots

Facebook Comments