Comelec, nakatanggap ng mga ulat ukol sa mga aberya sa VCM

Limang araw bago ang halalan, nakatanggap na ang Commission on Election o Comelec ng mga ulat ng insidente ng aberya sa vote counting machines o VCM na gagamitin sa halalan sa Lunes, Mayo 13.

Gayunman, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, sa linggo pa sila makakapaglabas ng detalyadong ulat hinggil rito pag natapos na ang lahat ng final testing and sealing (FTS).

Sabi naman ni Legal Network for Truthful Elections (LENTE) Executive Director Atty. Ona Caritos, inaasahan na nilang mauulit ngayong halalan 2019 ang aberya noong halalan 2016.


Dismayado naman ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na hindi pinagbigyan ng Comelec ang mga panukala nila para mapabuti ang pagbabantay sa halalan gaya ng open election data system.

Giit ni NAMFREL Chairman Atty. Gus Lagman, ito ang dahilan kaya umatras sila sa accreditation sa random manual audit o manu-manong bilangan ng ilang makina pagkatapos ng halalan para matiyak ang mga bilang nito.

Facebook Comments