COMELEC, nakikipag-ugnayan na sa NBI kaugnay ng pinanggalingan ng impormasyon hinggil sa hacking sa sistema ng poll body

Dumulog na ang Commission on Elections (COMELEC) sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang kumalat na impormasyon hinggil sa sinasabing data breach at hacking sa sistema ng poll body.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nagtataka sila kung saan nanggaling ang impormasyon dahil wala namang nangyaring hacking sa kanilang system.

Sinabi ni Jimenez na wala ring ebidensya na nagkaroon ng data breach, taliwas sa report ng Manila Bulletin.


Wala rin aniya silang nakausap na grupong nanghihingi ng pera kapalit ng sinasabing mga ninakaw na data.

Tiniyak din ni Jimenez na mananagot sa batas ang sinumang mapapatunayang sumisira sa kredibilidad ng halalan.

Facebook Comments