Inatasan na ni Commission in Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang kanilang law department na simulan na ang pagkuha ng ebidensiya kaugnay sa kaso ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Garcia, una na silang nagpadala ng sulat sa National Bureau of Investigation (NBI) upang hilingin ang resulta ng findings ng fingerprint ni Guo para mapaghandaan nila ang kaukulang kaso.
Nabatid na inihayag ni NBI Director Jimmy Santiago na may isa pang Alice Gou ang kumuha ng clearance sa NBI noong 2005.
Aniya, ihahayag nila sa susunod na mga araw ang detalye ng isa pang Alice Gou kung saan ang resulta ay ibibigay nila sa Senado at Comelec upang ang mga ito na ang nagdesisyon kung ano ang susunod na hakbang.
Sinabi naman ni Garcia, mayroon sariling fingerprint experts ang Comelec para masuri at maikumpara ang fingerprint ni Guo mula sa kanilang record at sa NBI.
Kasong kriminal nanan ang tinitingnan ngayon ng Comelec na maaaring isampa laban sa suspedidong alkalde dahil sa pagsisinungaling nito sa kanyang certificate of candidacy (COC).