Nakikipagtulungan na ang Commission on Elections (Comelec) sa iba’t ibang social media platforms para sa beripikasyon ng mga lehitimong kandidato sa eleksyon 2022.
Kasunod ito ng inilabas na guidelines ng komisyon na tanging ang platform verified accounts lamang ang papayagang magpost ng political advertisements.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kinabibilangan ang mga social media platforms na Twitter, Facebook, YouTube at Google.
Umaasa naman ang tagapagsalita na makakatulong ang gawain upang magkaroon ng mapagkakatiwalaan at totoong source ng impormasyon ngayong nalalapit na eleksyon.
Batay sa guidelines, kailangan ng 100,000 subscribers ng mga kandidato sa kanilang YouTube channel bago mag-verify.
Pero paglilinaw ni Jimenez, hindi kailangang maabot ang bilang na ito dahil maaari naman itong i–request at hindi na kailangan ipakiusap sa kanilang mga supporters.