Comelec, nakikitang magkakaroon lamang ng mababang voters turn out sa 2020 Brgy at SK Elections

Posibleng magkaroon lamang ng mababang turnout ng voter registrants para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, binabagalan na nila ang kanilang preparasyon sa gitna na rin ng mga panawagang i-urong ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 2020.

Bago pa man aniya ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito, sinabi ni Jimenez na nakakatanggap na sila ng reports para sa posibleng postponement.


Giit niya, hindi pwedeng ihinto ang preparations hangga’t walang batas para sa re-schedule ng 2020 election.

Facebook Comments