Comelec, nalagpasan ang target na bilang ng mga lumahok sa mock elections

Nalagpasan ng Commission on Elections (Comelec) ang target na bilang para sa mga lumahok sa inilunsad na mock elections.

Naganap ito sa 34 presinto sa pitong rehiyon sa buong bansa bilang paghahanda sa nalalapit na 2022 presidential elections.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, tumaas ang voter turnout ngayong araw kung saan nakapagtala sila ng average 600 hanggang 700 registered voters sa kada presinto.


Kabilang sa mga lugar na ginawang mock elections site ay ang; Pasay West High School, Padre Zamora Elementary School at Tenement Elementary School sa Brgy. Western Bicutan, Taguig.

Dahil mock elections pa lamang, mga pangalan ng Hollywood stars ang ginamit na kandidato sa pagka-pangulo at iba pang national positions.

Paalala naman ng Comelec sa mga botante at iba pang makikibahagi sa Eleksyon 2022, magsuot ng face mask at face shield dahil sa obligado pa rin ito bilang pag-iingat sa Omicron variant ng COVID-19.

Facebook Comments