Comelec, nanawagan na rin sa mga kandidato na hikayatin ang publiko na bumoto sa natitirang mga araw bago ang May 12

Nakiusap na rin ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato o mga tumatakbo ngayon sa national at local election.

Ito’y upang engganyuhin ang publiko na bomoto sa darating na May 12.

Sa ambush interview kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sinabi nitong handa na ang pwersa ng mga guro at mga paaralan na magsisilbing lugar kung saan boboto ang ating mga kababayan.

Ngunit, ikinababahala ng komisyon kung makikisa ba ang publiko para bomoto sa May 12 elections.

Samantala, sinabi rin ni Garcia na patuloy pa rin ang ginagawa nilang voter’s education upang maipalaganap pa sa publiko ang kahalagahan ng pagboto ng bawat Pilipino.

Facebook Comments