Comelec, nanawagan sa mga aspirant na huwag ‘umepal’ sa Traslacion

Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon na irespeto ang nalalapit na Traslacion 2025.

Sa harap ito ng inaasahang pagbugso ng milyun-milyong mga deboto na makikiisa sa Kapistahan ng Itim na Poong Nazareno.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi dapat haluan ng pulitika ang mga banal na gawain gaya ng Traslacion kahit hindi pa opisyal na nagsisimula ang kampanya at hindi pa sila itinuturing na kandidato.


Samantala, kaninang umaga nang magsagawa ng magkahiwalay na walkthrough ang mga opisyal ng Manila Police District at ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene o Quiapo Church bilang paghahanda sa mga rutang daraanan ng prusisyon.

Ayon kay MPD Director Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay, nasa 14,000 na mga pulis ang ide-deploy para masiguro ang kaligtasan ng mga deboto.

Tuwing ika-siyam ng Enero idinaraos ang Traslacion na pag-alala sa paglilipat ng imahen ng Nazareno patungong simbahan ng Quiapo.

Facebook Comments