COMELEC, nanawagan sa mga kwalipikadong botante na magparehistro na para sa 2022 elections

Aabot na sa higit 1 million applications ang natanggap ng Commission on Elections (COMELEC) para sa voters’ registration para sa May 2022 national at local elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, aabot na sa 1,050,793 applications ang natanggap ng poll body mula nitong January 7, 2021.

Inaasahang aabot sa apat na milyon ang registrant at isang milyon ang reactivations.


Hinikayat ni Jimenez ang mga qualified voters na magparehistro.

Ang mga kwalipikadong magparehistro ay mga may edad 18-anyos pataas bago ang araw ng eleksyon o May 9, 2022, at dapat residente sa Pilipinas sa loob ng isang taon o higit pa.

Ang mga Offices of the Election Officer (OEOs) ay bukas mula Lunes hanggang Huwebes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments