COMELEC – nangangambang walang maibayad sa mga gurong magsisilbi sa eleksyon kung maaprubahan ang reenacted budget

Manila, Philippines – Nangangamba ang Commission on Elections na baka wala silang maipambayad sa mga guro at support staff na maglilingkod sa 2019 midterm elections.

Sa isang pulong balitaan sa Maynila, inamin ni COMELEC Spokesman James Jimenez na magkakaroon ng seryosong epekto sa gaganaping eleksyon kung maipapasa ang reenacted budget.

Kulang kasi ang P1.9 billion na nakalaan sa kanila sa ilalim ng national expenditure program.


Dahil dito, hihilingin umano nila sa kongreso na gawing P3.2 billion ang pondo para sa COMELEC para mabayaran ang honoraria ng mga guro at support staff na tatayong electoral board sa Mayo.

Paliwanag ni Jimenez, hindi simple ang pagsasagawa ng eleksyon at kailangan maunawaan ng mga mambabatas ang hirap na gagampanan ng mga guro at volunteers.

Samantala, target simulan ang pag-iimprenta ng mga balota sa April 7 at inaasahang matatapos ito sa kalagitnaan ng Abril.

Facebook Comments