MANILA – Kinansela na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng mall voting.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, nakakuha ng 4-3 na boto pabor sa pagbasura sa naunang desisyon ng poll body.Matatandaan na sa pagpupulong ng Comelec En Banc noong Marso 10 ay nakakuha ng botong 6-1 pabor sa panukalang mall voting para sa darating na halalan.Aminado si Bautista na nanghihinayang siya sa pagkakataong makaboto ang ibang botante sa mga malalapit na mall sa kanilang lugar.Samantala, Nagsimula na ngayong araw ang Local Absentee Voting (LAV) kung saan inaasahang dadalo ang mahigit 24, 000 botanteng nagparehistro.Kabilang dito ang mga kawani ng gobyerno, Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) maging ang mga miyembro ng media na abala sa pagbabantay sa araw ng eleksyon.Pero tanging ang mga posisyon lang ng presidente, bise-presidente, senador at partylist group ang maaring iboto ng mga lalahok sa LAV gamit ang manual voting system.Bibilangin ang boto ng LAV sa pagtatapos ng botohan sa May 9.
Comelec, Nanghinayang Sa Pinal Na Pagkaka-Basura Ng Mall Voting
Facebook Comments