Walang balak ang Commission on Elections (Comelec) na baguhin ang kanilang desisyon sa pag-apruba nito sa inupong kinatawan ng Magsasaka Party-list.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nagdesisyon na sila sa isyung ito at pinayuhan na lamang grupo na ang kwestyunin sa Supreme Court ang kanilang desisyon.
Kanina, muling nag-rally sa Comelec ang grupo para kuwestiyunin ang desisyon ng En Banc.
Ito ay matapos na magdesisyon ang komisyon na palitan ang kinatawan ng party-list na si Atty. Argel Cabatbat at ipinalit ang isang Roberto Nazal Jr.
Facebook Comments