COMELEC, nanindigang kailangan ng batas para magdaos ng snap elections

Nakahanda ang Commission on Elections (COMELEC) na sumunod sakaling magkaroon ng batas para sa pagsasagawa ng snap elections.

Pahayag ito ng poll body kasunod ng mungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano na dapat magbitiw na lamang ang mga kasalukuyang opisyal at magsagawa na lang ng snap elections.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Comelec Spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na walang kapangyarihan ang poll body na magdesisyon pero susunod sila sakaling magpasa ang Kongreso ng batas na nag-iimplementa nito.

Inihalimbawa rito ni Laudiangco ang snap elections na idinaos noong 1986 kung saan kinailangan din ng isang batas bago ito isagawa.

Kaugnay niyan, hihiling din daw ang Comelec ng sapat na panahon para maipatupad nang maayos ang halalan.

Kabilang sa magiging paghahanda ang procurement ng automated election system, mga posibleng pagkwestiyon sa certificate of candidacy (COC) at pag-imprenta ng mga balota.

Facebook Comments