Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na suportado ng mga ebidensya ang isinampa nilang disqualification case laban sa 35 na kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) dahil sa premature campaigning.
Ito’y matapos umanong umalma at magmatigas ang ilang kandidato na sinilbihan nila ng reklamo sa disqualification.
Ayon kay COMELEC Task Force Anti-Epal Head Director Jose Nick Mendros, karamihan sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay ng premature campaigning ay mula mismo sa concerned citizens o publiko.
May ilan namang umamin sa maagang pangangampanya, habang may ibang tumatanggi sa reklamo.
Dagdag pa ni Medros, magpapatuloy pa ang paghahain nila ng mga disqualification case hanggang sa mismong araw ng eleksyon sa October 30.
Kasabay nito, naghahanda na rin ang COMELEC laban sa illegal campaigning sa oras na magsimula ang campaign period sa October 19.