COMELEC, naniniwalang aabot pa sa Korte Suprema ang disqualification cases laban kay presidential candidate Bongbong Marcos Jr.

Naniniwala si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia na aabot pa sa Korte Suprema ang desisyon kaugnay sa disqualification cases na inihain laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ngayong araw ay nakatakdang ilabas ng COMELEC ang desisyon kaugnay rito, isang araw pagkatapos ng ginanap na halalan kahapon.

Ayon kay Garcia, sigurado siyang makakarating ang kaso sa Korte Suprema anuman ang maging desisyon ng COMELEC en banc.


Una nang sinabi ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan na natapos na ang ruling sa tatlong kaso pero hinintay muna nila ang promulgation ng ika-apat na kaso na hindi agad nadesisyunan.

Samantala, sinabi pa ni Garcia na ang Korte Suprema na ang makakasagot sa mga susunod na hakbang sakaling ma-disqualify si Marcos.

Facebook Comments