Comelec, nasabon sa pagdinig ng Kamara

Manila, Philippines – Nagisa sa pagdinig sa Kamara ang ilang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa mababang voter turnout noong 2019 midterm elections para sa partylist groups.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, giit ni Ako Bicol Party-List Representative Alfredo Garbin na mas mababa sa limampung porsiyento ng 63 million registered voters ang bumoto ng mga party-list.

Tiniyak naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na aalamin nila mula sa Board of Election inspectors kung sinabihan ang mga botante na ‘two-faced’ o may harap at likod na bahagi ang balota.


Samantala, dahil sa mga naitalang aberya noong midterm polls ay inirekomenda ni House Minority Leader Danilo Suarez na bumalik na lang ang bansa sa manu-manong botohan pero electronic pagdating sa transmission.

Facebook Comments