Comelec, nasorpresa sa pagdagsa ng mga tao sa unang araw ng voters registration

Ikinasupresa ng Commission on Elections (Comelec) ang mahahabang pila sa ilang local poll offices kasabay ng unang araw ng voters registration kahapon.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, madalas kasi na dumadagsa ang mga tao sa huling araw ng registration period.

Sinabi ni Jimenez, na senyales ito na nagiging politically active na ang mga Pilipino.


Hindi rin inaalis ng poll official ang posibilidad na makakaapekto sa bilang ng mga taong nagpaparehistro ang panukalang ipag-paliban ang 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Facebook Comments