Isang daang porsyento nang tapos ang pag-imprenta ng mga balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Atty. Rex Laudiangco na umabot sa halos 92 milyong balota na ang kanilang napa imprenta.
Ang madadagdag aniya sa bilang na ito ay 1.6 milyong mga bagong botante na lamang na nakapag-rehistro mula December hanggang January 31 ng taong ito.
Nai-deliver na rin aniya ang mga balotang ito at ang hinihintay na lamang ng COMELEC ay ang desisyon ng Korte Suprema kung itutuloy ang October 30 na schedule nito o kung mapapaaga ang halalan.
Facebook Comments