COMELEC, nilinaw na hindi binura ang backup sa nakalipas na halalan

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila binura ang backup files na ginamit sa nakalipas na halalan.

Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. Rex Laudiangco, ang ginawa nila ay itinago ang backup files para maprotektahan ito.

Nilinaw rin ni Laudiangco na gumawa ang poll body ng backup sa files nito sa server bago ito binura.


Isinagawa ang proseso sa bodega ng COMELEC sa Santa Rosa, Laguna kung saan nakatago ang tatlong portable drive ng backup files.

Laman ng backup files ang serialized ballot at ang Structured Query Language (SQL) dump files na naglalaman ng projects of precincts, impormasyon ng mga kandidato, reference files at ang mga nagrerequest ng reprint ballots.

Live sa online streaming ang proseso at makikita ang pagkuha ng mga portable mula sa storage area nito at ang pagbura ng mga data gamit ang system ng Smartmatic.

Sinaksihan dun ng partido politikal at citizen’s arm group ang pagbura ng backup files.

Facebook Comments