COMELEC, nilinaw na hindi sila affiliated sa PiliPinas2022.ph

42

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na wala silang affiliation sa PiliPinas2022.ph na nagsagawa ng online survey sa kung sino ang susunod na lider ng bansa.

Sa kanyang tweet, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na walang ugnayan ang poll body sa nasabing survey site.


Nanawagan si Jimenez sa publiko na kilatising mabuti ang mga lumalabas na survey dahil posibleng maging banta ito sa seguridad.

Binigyang-diin ng COMELEC official na ang mga survey ay hindi sumasalamin sa magiging resulta ng eleksyon.

Facebook Comments