Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na walang ginaganap na National ID registration sa kanilang mga tanggapan.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, hindi gagamitin ang COMELEC field offices para sa PhilSys Registration.
Aniya, nagpapatuloy ang voters’ registration sa kanilang mga tanggapan kaya limitado ang espasyo, at hindi ito akma para sa pagpapatupad ng physical distancing.
Ang voters’ registration ay nagpapatuloy sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine mula Lunes hanggang Huwebes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Suspendido ang registration sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Abra, Quirino, at Santiago City sa Isabela dahil sa umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).