COMELEC offices na nagsumite ng mga pirma para sa Cha-Cha, umabot na sa higit 700

Patuloy na nakakatanggap ng mga lagda mula sa people’s initiative ang mga Commission on Elections (COMELEC) sa buong bansa.

Sa pinakahuling datos ng COMELEC, umabot na sa 726 ng mga opisina ng local COMELEC ang nakatanggap ng mga lagda para sa Charter Change o Cha-Cha.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ministerial ang kanilang trabaho kung kaya’t tatanggapin nila ang mga lagda na isusumite sa kanilang mga tanggapan.


Pagkatapos na matanggap ay agad nagsasagawa ang COMELEC ng verification ng mga lagda para pagtugmain sa mga voters list na nasa kanilang tanggapan.

Kailangan makakuha ng 3% mula sa kabuuang bilang ng mga botante ang people’s initiative sa bawat distrito.

Kapag natapos na ang verification ay agad isusumite ng mga local offices ng COMELEC ang mga dokumento papunta sa COMELEC En Banc para ito naman ang magsagawa ng susunod nilang mga pagdinig.

Facebook Comments