COMELEC online precinct finder, hindi pa rin nagagamit

18 araw bago ang mismong araw ng halalan, nananatiling offline ang online precinct finder ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, hinihintay na lamang nila ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para maging aktibo ang online precinct finder.

Sa pamamagitan ng precinct finder, ang mga botante ay maaaring makita online ang lokasyon ng kanilang presinto bago ang araw ng halalan.


Nauna nang tiniyak ni COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan na nakahanda na ang komisyon para sa May 9 elections dahil nakumpleto na ang printing ng mga balota at nagsimula na rin ang pag-deploy ng election paraphernalias at Vote Counting Machines (VCMs) sa buong bansa.

Facebook Comments